Jeepney Press Sep – Oct 2024 Advice ni Tita Lits

Dear Tita Lits,  

 Mahilig ako sa onsen, at gusto ko talagang madala ang mga magulang ko para maranasan nila ito kapag bumisita sila sa Japan. Subalit, medyo konserbatibo ang mga magulang ko at hindi sila komportable na maligo nang nakahubad sa harap ng ibang tao. Nahihiya sila. Sa katunayan, kahit ako, hindi ko pa sila nakitang nakahubad. Pero gusto ko talagang maranasan nila ang rotemburo, isang outdoor onsen, sa gitna ng kabundukan na napapalibutan ng kalikasan. Makakatulong din ito sa kanilang katawan, lalo na dahil pareho silang may rayuma. Mayroon ka bang mairerekomenda?

 

Nagmamahal,

Nimfa, Nagoya 

 

Tita Lits Advice:

Pero if by any chance maipasyal mo sila sa Hakone (most popular tourist destination in Japan), may mai-re-rekomenda ako very ideal sa concerns nila (nahihiyang makitang hubad ng ibang tao). At hindi ka mabubutasan ng bulsa dahil sobrang mura at sobrang sarap ng pagkain, na home cooked ng matandang babaeng may ari ng inn at doon din nakatira.

 Ang pangalan:  SANRAKUSO

(Search hakone.or.jp for all onsens in the Hakone area. Sanrakuro does not have its own page, but it was previously featured before by NHK as the ideal inn, non-commercial, run by the family-owner themselves as the image that should be fostered about inns in Japan.)

Click here to read the whole article.