Jeepney Press Mar-Apr 2024 Advice ni Tita Lits

ISANG PANGARAP, ISANG DASAL, ISANG TAGUMPAY
(Second and Last Part) March- April 2024

ISANG PANGARAP:

Buong buhay ko, ako ay isang empleyado. At akala ko, hanggang mag-retiro na ako, ako ay isang empleyado pa rin. Not that masama ang naging takbo ng aking career – sobra-sobra nga blessings kong natanggap kay Lord. Kaya lang, pagkatapos ng mahigit ng 25 taon na pag-i-stay ko sa Japan – estudyante, propesyonal, maybahay ng isang Hapon – bigla akong inilipat ng aking kumpanya (PNB) sa bansang Italia, para maging base ko ito sa pagiging head ko ng overseas banking business sa buong Europa, Israel at Africa. 

Laking tuwa ko noong tawagan ako sa Roma ng Presidente ng bangko noong ika-12 ng Pebrero, 2010 – balik na daw ako sa Japan, at Tokyo na ulit ang base ko! Magiging head ulit ako ng Asia-Pacific business ng bangko. Laking tuwa na aking asawa na finally, babalik na ako sa aking second home, ang bansang Hapon.

Ngunit hindi pala nauukol. Hong Kong daw finally ang magiging base ko. So noong Mayo, taong 2010, lumipad na ako doon para sa turn-over of responsibilities, at para tumingin na ng matitirahan. Bitbit ko na rin mga damit ko at ibang basic na gamit para sa magiging bagong challenge ko sa buhay.

Ngunit noong unang araw ng Hunyo 2010, ako ay nag-sumite ng aking resignation sa bangko.  Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako ninerbiyos doon sa desisyong tumigil ng mag-trabaho, para makasama ko na araw-araw ang pamilya ko. Ang laki ng kaba ko sa dibdib na wala na akong tatanggaping sweldo buwan-buwan. Papaano na ang buwanang pag-suporta ko sa magulang ko?  Paano naming kakargahin ang malaking gastos sa eskwela ng aking anak? Hindi kaya ako ma-bore dahil nga buong buhay ko, sanay akong nagta-trabaho? Hindi kaya ako maging nagger sa asawa, dahil nga nasa bahay na lang ako araw-araw, at wala ng propesyong pinagkaka-abalahan?

Click here to continue.