
Holiday Advisory
March 19, 2025Mahal kong Tita Lits,
Pakiramdam ko, bigla akong naging bida sa isang soap opera—pero walang cut, walang director na sisigaw ng “Take 2,” at lalong walang script na nagsasabing paano ko haharapin ang ganitong eksena.
Tatlong dekada akong naging asawa—hindi lang basta asawa, kundi isang tapat, maalaga, at pasensyosang kabiyak ng asawa kong Hapon. Inalagaan ko siya, sinuportahan, at minahal ng buong puso. Kung may loyalty card ang pagiging misis, baka lifetime VIP member na ako! Kaya noong biglaan siyang pumanaw isang buwan na ang nakalipas dahil sa atake sa puso, parang natanggalan ako ng kalahating buhay. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. Pero akala ko, iyon na ang pinaka-worst na mararanasan ko. Mali pala ako.
Habang inaayos ko ang mga gamit niya, may nakita akong kahon ng lumang video tapes. Sa una, nakakataba ng puso. Ang daming masasayang alaala—mga bakasyon namin, kaarawan, simpleng araw na punong-puno ng pagmamahal. Napaiyak ako sa lungkot pero napangiti rin sa mga natitirang alaala niya. Hanggang sa may isang tape na walang label. Pinindot ko ang play. Akala ko, isa na namang family video. Pero Diyos ko, kung alam ko lang, sana hindi ko na pinanood!